GENERAL SANTOS CITY – Umiiyak at nagmakaawa habang nanawagan kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera III ang mga mag-aaral na nawalan ng pag-asa na sana makapagtapos ng pag-aaral matapos nawalan ng allowance bilang scholar ng pamahalaan.
Ito ang sinabi ni Agapito Lubaton, administrator at chief executive officer ng Marvelous College of Technology sa Koronadal City nang magreklamo noong Marso 12, 2024 kasama ang ilang estudyante laban kay de Vera.
Ayon kay Lubaton, bawat mag-aaral ay tumatanggap ng P30,000 bawat semester kung saamn itoy nakasaad sa ilalim ng Republic Act 10931 na tinatawag na Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Sa apat na pahinang affodavit complaint, inireklamo nina Lubaton si de Vera ng negligence of duties bilang public official at paglabag sa RA 11032 or the Ease of Doing Business Law at marami pang iba.
Nalaman na binayaran lamang ng CHED ang P10,000 na pang tuition habang ang P20,000 na living allowance ang inaasam-asam pang matanggap.
Dagdag ni Lubaton na aabot na sa P2.1B ang unpaid dues ng CHED para sa SY 2021-2023.