-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Tiniyak ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Baguio na maayos at ligtas gamitin ang mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Baguio sa pagbubukas ng klase sa Lunes.

Ayon kay Senior Fire Officer 2 Camilo Balancia Jr., information officer ng BFP-Baguio, kanilang sinuri ang kaligtasan ng mga paaralan sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela noong nakaraang buwan.

Aniya, noong Brigada Eskuwela ay mayroong silang inayos sa iba’t-ibang paaralan sa lunsod.

Inihayag niya na kabilang sa kanilang inayos ang mga eletrical connections, kalagayan ng school buildings at iba pa.

Dagdag ni Balancia na pinayuhan nila ang mga lider ng mga paaralan sa kanilang dapat gawin para mapanatili ang kaayusan ng mga school buildings at maiwasan ang mga insidente ng sunog sa mga ito.