-- Advertisements --
Mahigpit na pinag-aaralan ngayon ng mga scientist sa South Africa kung lubhang nakakahawa ang bago nilang tuklas na variant ng coronavirus.
Ang C.1.2. variant ay unang nakita noong Mayo na kumalat na sa maraming probinsiya ng South Africa maging sa Africa, Europe, Asia at Oceania.
Naglalaman aniya ito ng mga mutations na maiuugnay sa ibang variant na may mataas na transmissibility at nagbabawas ng sensitivity para ma-neutralize ang mga antibodies.
Magugunitang sa Africa rin natuklasan ang unang Beta variant na isa sa apat na itinuturin ng World Health Organization (WHO) bilang variant of concern.