Inilikas ang ilang libong mga scouts na lumahok sa international event sa South Korea dahil sa banta ng bagyo.
Maraming mga bansa kabilang ang United Kingdom ang lumikas na.
Inireklamo nila ang sobrang init ng panahon at ang hindi malinis na kondisyon ng mga camp.
Dinaluhan ng nasa 40,000 na mga kabataan mula sa 155 bansa ang World Scout Jamboree na mula sa simula ay sinalubong na ito na problema.
Marami ang nagkasakit dahil sa init ng panahon.
Ang delegasyon ng UK ang siyang pinakamaarami na mayroong 4,500 katao na dumating sa campsite noong nakaraang linggo sa bayan ng Buan.
Lumipat ang mga ito sa hotels sa Seoul at mananatili sila doon ng hanggang Agosto 12 kung saan matatapos ang programa.
Magugunitang nanalasa ang bagyong Khanun sa Japan matapos na dumaan ito sa Pilpinas.