-- Advertisements --

Hati ang mga senador sa usapin hinggil sa joint investigation ng Pilipinas at China sa isyu sa pagbangga ng isang Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank noong Hunyo 9.

Sinabi nitong araw ni Sen. Sherwin Gatchalian na suportado niya ang joint investigation na ito, pero tutol naman sa naturang ideya si Sen. Franklin Drilon.

Sa isang panayam, sinabi ni Gatchalian na para makausad na ang issue na ito, pabor siyang magkaroon ng joint investigation ang dalawang bansa.

Pero para kay Drilon, sa hakbang na ito ay posibleng humina naman ang claim ng bansa sa West Philippine Sea.

Sa isang statement, binigyan diin ni Drilon na hindi dapat pinapahintulutan ang hirit na ito ng China sapagkat ang batas naman aniya ay panig sa Pilipinas.

“There are clear violations of international treaties and our local laws committed by the Chinese vessel. A joint investigation will only serve their interest, not ours,” ani Drilon.