Ikinagalit ng mga Senador ang nag-leak na pag-uusap nila sa caucus patungkol sa confidential and intelligence funds (CIF).
Bago pa man nagsimula ang sesyon sa plenaryo, uminit na ang ulo at nadismaya ang mga Senador dahil sa paglabas ng mga detalye ng kanilang meeting.
Ayon kay Senador Jinggoy Estrada sa sesyon, lumabas na sa isang news website na pabor umano ang siyam na Senador na ibalik ang 500-million pesos na confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at 125-million sa Department of Education na tinapyas ng kamara.
Pinangalanan sa artikulo ng isang media outlet sina Senador
– Robin Padilla
– Christopher “Bong” Go
– Ramon “Bong” Revilla Jr.
– Ronald “Bato” Dela Rosa
– Jinggoy Estrada
– Lito Lapid
– Francis Tolentino
– Cynthia Villar
Ayon kay Estrada walang nagyaring botohan kaugnay sa confidential and intelligence funds ng OVP at DepEd.
Bagay din ni sinegundahan ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri.
Samantala, para naman kay Senador Chiz Escudero ang mga detalye na nilalaman ng artikulo ay hindi leak kung hindi isang chismis.
Hirit naman ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel kulang ang report patungkol sa kanya.
Samantala, si Senador Pia Cayetano na isa sa mga nakasulat na suportado ang confidential funds ni VP Sara ipinaliwanag kung bakit executive session o sarado sa media at ibang tao ang pag-uusap ng mga Senador.
Nag-aalala rin ang mga Senador na may implikasyon sa ibang executive session ang nangyaring leak.
Karaniwan kasing pinag-uusapan sa executive session ang mga isyung may kinalaman sa national security at sensitibong impormasyon.
Sa huli, nagkaisa ang mga Senador na iimbestigahan ng Senate Ethics Committee ang insidente.
Base sa sec. 129 ng rules of the Senate, pwede ma-expel ang isang Senador na lumabag sa secrecy ng executive session kung may 2/3 vote ng mga Senador. Kung empleyado naman o opisyal ito ng senado ay maaari siyang ma-dismiss sa trabaho.