-- Advertisements --

Pumalo na sa 70 na mga tumatakbong senador ang idineklara ngayon ng Commission on Election bilang mga nuisance candidate.

Sa pinakahuling datos ng COMELEC na mayroong 23 katao ang idinagdag nila na sinasabing mga nuisance candidate.

Sa first division ng Comelec ay mayroong tatlo habang sa 2nd Division ng Comelec ay mayroong 23.

Una ng idineklara ng Comelec ang 47 na nuisance candidates para sa 2025 mid-term elections.

Aabot kasi sa 183 ang naghain ng pagka-senador .