-- Advertisements --

DAVAO CUTY – Personal na binisita at nag-abot ng tulong ang ilang senador sa mga biktima ng sunog sa piapi, boulevard lungsod ng Dabaw.

Binisita rin mismo ni Senador Win Gatchalian kahapon ng umaga ang ground zero ng Barangay 21-C at Barangay 22-C, Davao City kung saan mahigit 1,200 kabahayan ang tinupok ng apoy at pinangunahan nito ang pagbigay ng tulong para sa mga biktima.

Inihayag nito na patuloy na tutulong ang gobyerno sa mga nasunugan at maghahanap umano ng paraan ang senado para mabigyan ng permanenting tahanan ang mga residente na nakatira malapit sa dagat hindi lang dito sa lungsod ng dabaw kung hindi sa buong bansa.

Samantala, pansamantala namang napalitan ng kasiyahan ang kalungkutan ng mga nasunugan matapos silang kinantahan ni Sen. Robin Padilla kasama si Sen. Bong Go at Phillip Salvador na na-una nang bumisita sa lugar.

Inihayag ni senador Go na nag-ambag ambag silang tatlo nila senador Padilla, senador Francis Tolentino at senador Ronald Bato Dela Rosa mula sa pondo ng kanilang tanggapan kung saan magbibigay sila ng tig-10,000 pesos sa bawat pamilyang nasunugan.