-- Advertisements --

Hinikayat ni Senator Risa Hontiveros ang Bureau of Customs (BOC) na imbestigahan at magsumite ng report sa mga palagiang lumalabag sa pagpuslit ng mga agricultural products.

Sa isinagwang pagdinig sa senado ay muling iprinisinta ni Hontiveros ang dokumento na mga matrix na isinumite ng BOC na nagdedetalye ng operasyon ng gobyerno sa mga smuggled agricultural products.

Nakasaad sa nasabing matrix na mayroong apat na kumpanya ang nagkaroon ng paulit-ulit na transactions.

Lahat aniya ng mga apat na kumpanya na paulit-ulit ang paglabag ay naaresto na sa Port of Subic.

Pinayuhan naman ni Senator Joel Villanueva ang mga BOC na dapat mayroong suot na body cameras tuwing may raids o inspections para tuluyang mahinto ang nagaganap na pagpuslit ng mga agricultural products.