-- Advertisements --

Nagkasundo ang mga senador sa Brazil na sampahan ng kaso si President Jair Bolsonario dahil sa paghawak nito sa COVID-19 pandemic.

Sinuportahan ng senado ang panawagan na kasuhan si Bolsonario kabilang ang crimes against humanity matapos ang mahigit 600,000 na nasawi dahil sa coronavirus.

Isusumite ang finding ng senado sa chief prosecutor.

Naging pangalawa kasi ang Brazil sa dami ng mga nasawi matapos dapuan ng COVID-19 na pinangunahan ng US.

Inakusahan din si Bolsonario ng hindi tamang paggamit ng pondo ng gobyerno at pagpapakalat ng fake news tungkol sa pandemiya.