-- Advertisements --
Capitol West Front5 US Congress

Pinagdedebatihan pa rin ng mga US senators ang format na kanilang ipapatupad sa impeachment trial ni US President Donald Trump.

Nais kasi ng mga Republican senators na kaalyado ng US President na ipagpatuloy ang impeachment kahit na walang witness o ebidensiya na ilalabas.

Subalit kinontra ito ni Democrat senator Charles Schumer at sinabi na kapag ginawa iyon ay nagpapakit na tila pinagtatakpan nila ang US President.

Nabigo naman si Schumer sa kaniyang proposed rules amendment na isubpoena ni Chief Justice John Roberts si White House Chief of Staff Mick Mulvaney na ipasakamay sa kanila ang mga dokumento na may kinalaman sa pag-uusap nina Trump at pangulo ng Ukraine.

Sa naging botohan nakakuha lamang ng 47 ang pumayag sa nasabing plano ng Democrats senators habang 53 naman ang komontra.

Nauna rito inakusahan si Trump na humihingi ng tulong sa Ukraine para makatiyak ang muli nitong pag-upo sa puwesto na nauna ng pinabulaanan ni Trump at tinawag nito na isang gawa-gawa lamang ang imbestigasyon.