-- Advertisements --

Inalmahan ng mga senador ang pagpapaalis ng China sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na dapat magmatigas ang Pilipinas at hindi susunod sa kagustuhan ng China.

Hindi naman naniniwala si Senator Panfilo Lacson na mayroong kasunduan ang Pilipinas na tanggalin ang BRP Sierra Madre.

Dagdag pa nito bilang chairman ng Senate national defense committee na kahit na magsukatan sa lugar ay malinaw na pag-aari pa rin ng bansa ang nasabing lugar.

Iginiit naman ni Senator Joel Villanueva na mula pa noong 1999 ay nandoon na sa Ayungin Shoal ang BRP Sierra Madre kaya walang karapatan ang mga trespassers na tanggalin ang barko ng Pilipinas.

Sa panig naman ni Senator Grace Poe na dapat hindi isawalang bahala ng gobyerno ang ginagawang pag-aangkin ng China sa lugar.