-- Advertisements --
congress1

Naniniwala ang ilang mga senador na may kapangyarihan ang Kongreso na ipagpaliban ang barangay at SK elections.

Ayon kay Senate Committee on Electoral Reform Chairperson Imee Marcos, base sa kanyang kaalaman sa batas ay binibigyan ng Konstitusyon ang Kongreso ng kapangyarihan, para matukoy ang termino ng mga barangay official.

Ito rin aniya ang tutukoy kung kailan isasagawa ang Barangay at SK Elections.

Para naman kay Senador Chiz Escudero, posibleng mawalan na rin ng saysay ang petisyon ni Atty. Romulo Macalintal matapos malagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang batas sa postponement ng BSKE.

Iginiiit ni Escudero, na hangga’t hindi naglalabas ng injunction order ang Korte Suprema laban sa batas, ay hindi maaaring ituloy ng Commission on Elections (Comelec) ang halalan na nakatakda sana sa December 2022.

Kasabay nito, ibinahagi rin ng senador na nagkaroon na rin ng mga naunang ruling ang Korte Suprema, na pumapabor sa constitutionality ng mga batas na nagpapaliban ng eleksyon.

Magugunitang, nagbigay ng opinyon ang ilang mga senador sa petisyon ni Atty. sa Korte Suprema, na kumukwestiyon sa constitutionality ng batas na nagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).