-- Advertisements --

May libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ang mga senior citizen sa bansa sa loob ng isang linggo.

Ito ay dahil sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week mula Oktubre 1 hanggang 7.

Ayon sa MRT-3, maaaring magamit ng mga senior citizens ang libreng sakay mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:30 ng gabi.

Kailangan lamang na ipakita ang kanilang mga senior citizen ID o kahit na anong ID na nagpapakita na sila ay 60-anyos na pataas.