Sa kabila ng pilot rollout ng “Resbakuna sa Botika” program ng pamahalaan hindi inirerekomenda ng pamahalaan ang pagpapabakuna ng mga mayroong comorbidities at senior citizens sa mga drugstores.
Ayon kay Vaccine Czar, Carlito Galvez Jr., mas maigi umanong sa mga vaccination sites magpabakuna ang mga seniors at may mga comorbidities para mas mabigyan sila ng medical attention.
Sinabi ni Galvez na naisip nilang makipag-ugnayan sa mga botika para sa isasagawang booster shots dahil mahaba-haba pa ang boostering.
Aniya, sa ngayon kasi ay mababa pa ang bilang ng mga nababakunahan ng booster shots na papalo sa limang milyon.
Target naman pamahalaan na makapagbakuna ng 50 hanggang 100 na booster shots kada botika sa isang araw.
Sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo naman ay nais ng pamahalaan na mapalawak pa ang Resbakuna sa Botika sa iba’t ibang panig ng bansa.
Mabusisi naman daw na pinag-aaralan ng pamahalaan ang pamantayan sa pagbabakuna sa mga botika dahil mayroong mga drug stores na masisikip na hindi puwedeng mag-administer ng bakuna.
Ang mga booster shots naman na ginagamit sa ngayon ay ang Astrazeneca at Sinovac dahil hindi ito masyadong sensitibo sa iba pang klase ng bakuna gaya ng Pfizer at Moderna vaccine.
Mercury Drug in Pres. Quirino Avenue, Malate, Manila
Southstar Drug in Marikina
Watsons in SM Supercenter Pasig
Generika Drugstore in Signal 1, Taguig
The Generics Pharmacy in Edison St. Sun Valley, Parañaque
QualiMed Clinic in McKinley Road, Makati
Healthway in Manila