-- Advertisements --

Lalo pang lumawak ang mga lugar na natukoy na may pagbitak sa paligid ng Taal volcano.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, sanga-sangang crack ang natuklasan sa paglilibot ng kanilang team.

Sinasabing karugtong iyon ng fissure vents na konektado sa bulkan.

Ang lindol at mga pagbitak ng lupa ay ilan lang umano sa mga senyales noon bago nangyari ang major eruptions ng Taal noong 1911 at 1977.

Sinabi pa ni Solidum na kahit humihina ang nakikitang aktibidad sa ibabaw ng Taal, nakaka-monitor pa rin sila ng umaakyat na magma mula sa ilalim nito.

“Yung nakikita natin sa ibabaw ay ihiwalay mo sa sinabi naming nangyari sa ilalim,” wika ni Solidum.

Ang malaking challenge ngayon ay ang mabilis na pagbabago ng kondisyon ng bulkan, kaya mas mainam umanong lumayo sa itinuturing na danger zone.