-- Advertisements --

Inalmahan ng mga mamamayan ng Serbia ang ginawang pagpapatalsik ng Australian Government kay tennis star Novak Djokovic.

Sinabi ni Serbian President Aleksandar Vucic na tila pinahiya ng Australia ang kanilang sarili.

Habang tinawag ng Serbian Olympic Committee na ang hakbang bilang ‘scandalous’ decision.

Dagdag pa ng Serbian president na uuwing taas noo pa rin si Djokovic matapos ang 10 -araw na ipinaglaban nito ang kaniyang visa.

Mula pa kasi sa simula at ipinakita ni Vucic ang suporta kay Djokovic kung saan itinuturing na “political witch hunt” ang ginawang pagkulong ng Australia sa hindi bakunadong tennis star.

Nagsagawa rin ng kilos protesta ang mga supporters ni Djokovic sa Serbia kung saan nagbigay sila ng suporta sa tennis superstar.