-- Advertisements --
Hindi na seselyuhan ng Philippine National Police ang kanilang mga service firearms ngayong Holiday season.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, na ipapaubaya na nila sa mga field commanders at regional directors na tiyakin na paalalahanan ang kanilang kapulisan na huwag gamitin ang kanilang mga baril.
Giit nito na mayroong karampatang kaparusahan gaya ng pagkatanggal sa serbisyo kapag napatunayan na ang isang pulis ay nagpaputok gamit ang baril.
Magugunitang kinasanayan na noon ang pagselyo ng mga service firearms ng mga kapulisan para matiyak na hindi magagamit ito sa pagsalubong ng Bagong Taon.