-- Advertisements --
Bumalik na sa kanilang trabaho ang mga sex workers sa the Netherlands matapos na luwagan ng gobyerno ang COVID-19 restrictions.
Sinabi ni health minister Hugo de Jonge na binuksan na rin nila ang mga parke, zoo, gyms at mga outdooor swimming pools dahil sa kaunti na ang kaso mula ng simulan na nila ang pagtuturok ng mga bakuna laban sa COVID-19.
Legal din kasi sa nasabing bansa ang prostitusyon subalit noong Disyembre ay pinagbawalan ang mga ito para hindi na kumalat ang COVID-19.
Nitong Marso ay nagkilos protesta ang mga sex workers dahil sa hindi pa rin sila pinayagan na makabalik sa trabaho habang ang ibang trabaho gaya ng massage parlor ay binuksan na.