Naglunsad ng petisyon ang mga sex workers sa Thailand na nanghihikayat sa mga otoridad na tanggalin ang lahat ng mga multa sa kanilang trabaho.
Ayon sa Empower Foundation nag grupo mula sa Chiang-Mai na nagsusuporta sa mga sex workers na umaasa silang makalikom ng 10,000 na pirma para baguhin ng mga mambabatas ang prostitution law.
Sa panig naman ng mga kababaihan at LGBT rights activist na ang batas na nagsasabing iligal ang prostitusyon na ipinatupad pa noong 1960 ay nagbibigay lamang ng maliit na proteksyion sa mga sex workers at pahirap sa mga palagiang naaaresto.
Nakasaad sa nasabing batas na ang mga maaarestong sex workers ay pagmumultahin ng $1,274 o 2 taon na pagkakakulong habang nag pakikipagtalik sa mga sex workers na menor-de-edad ay makukulong ng hanggang anim na taon.
Noong nakaraang taon ay umabot sa mahigit 24,000 na mga katao ang inaresto at kinasuhan na mga sex workers base na rin sa ulat ng Royal Thai Police.