-- Advertisements --

Hangga’t pending pa ang imbestigasyon kaugnay sa sumablay na airstrike hindi na muna gagamitin ng militar ang kanilang SF260 aircraft na naging dahilan sa pagkasawi ng 11 sundalo habang pito ang sugatan.

Ayon kay AFP chief of staff Gen. Eduardo Año habang ongoing ang imbestigasyon hindi muna nila gagamitin ang mga nasabing aircraft.

Sinabi ni Año na may iba pa naman silang resources na pwedeng gamitin sa nagpapatuloy na operasyon sa Marawi City.

Inihayag ng AFP chief na lahat ng mga available na ground, air and naval assets ay kanilang gagamitin para resolbahin na ang nangyayaring krisis sa Marawi.

Pagtiyak ni chief of staff na ginagawa nila ang lahat para ma-comply ang itinakdang timeline.

Pero ang pinaka importante sa ngayon ay magampanan nila ang kanilang trabaho na maliit ang casualties sa tropa ng pamahalaan at mga sibilyan.

Grounded na rin sa ngayon ang piloto ng nasabing aircraft ibig sabihin hindi muna siya pwedeng magpalipad ng aircraft habang may isinasagawang imbestigasyon.