-- Advertisements --
Cotabato City – Kasabay ng pulong balitaan ngayong araw ng BARMM, nagbigay ng mga Shelter Repair Kits ang Office of the Civil Defense- BARMM sa Bangsamoro Readi Team.
Sa isang turn over ceremony na pinangunahan ni Dir. Hamid Bayao ng OCD BARMM at ni Minister Atty. Naguib Sinarimbo, sinabi ng mga ito na ang 851 na piraso ng Shelter Repair Kits na Nonfood items ay ibinigay din ng Asean Coordinating Centre at pinangasiwaan naman ito ng OCD National.
Sa pakikipagtulungan ng OCD BARMM sa 6th Infantry Kampilan Divusion, Bangsamoro Readi at sa Provincial DRRMC ng Maguindanao, naidentify na nila ang mga nasa priority list at mas nangangailangan ng pagbibigyan ng nasabing mga Shelter Repair Kits.