-- Advertisements --

Kinansela ng bandang Aerosmith ang iba nilang mga concert tours.

Ito ay dahil sa boluntaryong pagpapasok sa rehabailitation ng kanilang frontman na si Steven Tyler.

Ayon sa banda na nagpasya ang kanilang frontman na magpa-rehab dahil sa pagiging lulon ito sa bisyo.

Mas mainan aniya ito para sa agaran niyang paggaling.

Nakatakda sanang magtanghal ang grupo sa Las Vegas na siyang unang pagkakataon na mula ng tumama ang COVID-19 pandemic.

Tiniyak naman nila na matutuloy ang ilang mga show na nakatakda sa Setyembre.

Magugunitang naging bukas ang 74-anyos na si Tyler sa pagiging sugapa nito sa droga noong nakaraang mga taon.

Nalabanan niya umano ito subalit bumabalik din ito sa dati kaya minabuting magpa-rehab.