-- Advertisements --
Kinansela ni Celine Dion ang kaniyang mga show sa North America dahil sa problema sa kaniyang kalusugan.
Sa kaniyang Twitter, sinabi nito na umaasa siyang tuluyan ng gumaling subalit pinayuhan siya ng kaniyang doctor na magpahinga muna.
Tumigil ang mga show niya noong pandemic at ito ay natuloy sana noong Nobyembre 2021 sa Las Vegas.
Pagdating naman ng Oktubre ay nakansela ito matapos makaranas siya ng muscle spasm.
Umaasa ang Quebec superstar na matuloy na ang nasabing mga concert pagdating ng Marso.