-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Lumikas na ang mga sibilyan sa Barangay Dunggoan M’lang Cotabato sa presensya ng mga armadong grupo.
Bunsod ito ng magkahiwalay at magkasunod na pag atake ng aramadong kalalakihan sa lugar.
Unang naitala ang strapping incident at pagpapasabog sa tahanan ng isang Tecson Mangansakan na sinundan naman ng brutal na pagpatay sa isang TMU member na Market Guard ng M’lang LGU na si Tol Musa.
Hiniling ni M’lang Mayor Russel Abonado sa mga residente na wag matakot at makipagtulungan sa mga otoridad.
Nakipagpulong na ang Alkalde sa tropa ng 90th Infantry Battalion Philippine Army,mga opisyal ng Barangay at M’lang PNP sa mga aksyon na gagawin kung sakaling lumala ang sitwasyon sa Brgy Dunggoan.