Nasamsam ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga illicit cigarettes sa isinagawang raid kamakailan sa Agusan del Sur at Surigao del Sur.
Ito ay may tinatayang P219 milyon na liability sa buwis.
Sa isang pahayag, sinabi ng BIR na ang mga pagsalakay noong Abril 24 sa mga tahanan na ginamit bilang mga bodega ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng 347,869 na pakete ng mga ipinagbabawal na sigarilyo.
Ayon sa BIR, nang madiskubre ang mga sigarilyo, agad na natukoy ang mga bagay na ipinagbabawal dahil wala sa mga ito ang nagtataglay ng mga kinakailangang BIR stamps.
Ang mga illicit traders naman na sangkot sa nabanggit na raid mahaharap sa kasong paglabag sa Section 236: Failure to Register its Business as an Excise Taxpayer; Section 255: Failure to File Return (Excise), supply correct and accurate information; Section 258: Unlawful Pursuit of Business; Section 263: Unlawful Possession or Removal of Articles Subject to Excise Tax without Payment of Tax; and Section 265: – Offenses relating to Stamps under the National Internal Revenue Code.
Maaari rin itong maharap sa mga parusang administratibo sakaling napatunayang guilty.