-- Advertisements --
Nagtagisan ang mga dating pole vault champion kahit ngayong panahon ng coronavirus pandemic.
Isinagawa ang nasabing kumpetisyon sa kani-kanilang mga bakuran habang ipinalabas ito ng live sa internet.
Kinabibilangan ito nina dating Olympic champion Renaud Lavillenie, world champion Sam Kendricks at world holder Armand Duplantis.
Sinabi ni 2012 Olympic champion Lavillenie na para siyang nakipalaban sa World championship.
Kapwa nakapagtala ng 36 clear bars sina Lavillenie Duplantis habang naka-26 lamang si Kendricks.