-- Advertisements --

Inanunsiyo na ng National Football League (NFL) ang mga magtatanghal sa halftime show ng Super Bowl 56 sa darating na Pebrero 13, 2022.

Kinabibilangan ito nina Dr.Dre, Snoop Dogg, Eminem, Kendrick Lamar at Mary J. Blige.

Gaganapin ang Super Bowl 56 sa SoFi Stadium sa Inglewood, California.
Ito ang unang Super Bowl sa Los Angeles sa loob ng 30 taon.

Nakatuon ang 2022 halftime show sa mga West Coast hip-hop star.

Noong nakaraang mga buwan kasi ay tila nakiusap ang rapper na si Snoop kung maari ay bigyang pansin ng NFL ang mga rapper na katulad niya.

Itinuturing naman ni Dr. Dre na isang malaking karangalan ang magtanghal sa Super Bowl Halftime.