-- Advertisements --

Dumami pa ang nanawagan ng suporta sa Chinese tennis player na si Peng Shuia na nag-akusa laban sa isang dating mataas na opisyal ng China dahil sa sexual assault.

peng shuai tennis

Mula nang ibunyag ni Shuai sa kanilyang social media na inalok siya ni dating Vice Premier Zhang Gaoli na makipagtalik ay hindi na ito nakita pa sa publiko.

Agad ding binura ng Chinese social media site na Weibo ang post ni Peng.

Ilan sa mga tennis star gaya ni Japanese star Naomi Osaka ang nagpahayag pag-aalala sa kinaroroonan ni Peng.

Umaasa naman si tennis legend at 39 time Grand Slam championship-winner Billie Jean King na ligtas na itong matagpuan.

Itinuturing naman ni dating world number 1 Chris Evert ang pangyayari bilang nakakabahala.

Una nang nagpahayag ang Women’s Tennis Association (WTA) ng malalimang imbestigasyon sa akusasyon ni Peng.

Sinabi ni WTA chairman and CEO Steve Simon na dapat bukas itong imbestigahan at hindi harangin ng China.

Ang 75-anyos na si Zhang ay nagsilbing ika-pitong mataas na opisyal ng ruling Communist Party na Politiburo Standing Committee mula 2012 hanggang 2017 at nagretiro bilang vice premier noong taong 2018.

zhang gaoli
Zhang Gaoli

Base sa alegasyon ng 35-anyos na tennis star, sa loob ng 10-taon ay laging sinusubaybayan siya ng Chinese official at makailang iniimbitahan sa kanilang bahay para makipagtalik.

Hindi na ito nakakuha ng ebidensiya dahil sa takot nito sa Chinese official.

Naglabas na rin ang pahayag ang Chinese media at sinabing nasa mabuting kalagayan si Peng.