Agad na tumugon ang lahat ng mga simbahan sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa panawagan ng gobyerno na itigil muna ang pagsasagawa ng misa simula Marso 22 hanggang Abril 4.
Ang mga simbahan sa nabanggit na lugar ay nag-post ng mga advisory sa kanilang mga social media pages para ipaalam sa kanilang mga deboto ang nasabing desisyon na huwag magsagawa ng misa simula ngayong araw sa loob ng dalawang linggo para tuluyang mapababa ang kaso ng nahahawaan ng bagong variant ng COVID-19.
Nanawagan na lamang ang mga ito sa mga mananampalataya na makibahagi sa mga online mass at ilang mga aktibidad sa panahon ng Semana Santa.
Paglilinaw naman nila na papayagan ang mga pagsasagawa ng kasal, binyag at libing pero hanggang 10 katao lamang.
Una nang inanunsiyo kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga bagong patakaran sa gitna na rin nang pagsirit ng mga bagong kaso ng COVID-19.