-- Advertisements --

Maraming mga residente ng National Capital Region (NCR) ang lumabas sa kanilang bahay sa unang Linggo ng pagpapatupad ng Alert Level 3.

Bukod kasi sa iba’t ibang simbahan ay napuno rin ang dolomite beach sa baywalk ng Manila Bay.

Mahigpit pa rin na ipinatupad ng mga nangangasiwa sa iba’t ibang simbahan ang no-facemask-no entry policy at may mga umiikot na mga tauhan nila na nagpapaalala sa pagsunod ng health and safety protocols.

Nakasaad kasi sa Alert Level 3 na papayagan ng hanggang 30 percent ang mga indoor capacity para sa mga bakunado habang 50 percent sa outdoor venue capacity basta ang mga empleyado ay fully vaccinated na.

Maaga namang binuksan ang gate ng dolomite beach na imbes na sa alas-otso ng umaga ay binuksan na ito ng ala-sais.

Mas marami aniyang bumisita sa araw ng Linggo kumpara noong Sabado ng ito ay pormal na muling binuksan ng DENR.