Pinayagan ng Metro Manila Council (MMC) ang mga simbahan na magkaroon ng 50 percent na seating capacity sa bawat aktibidad sa panahon ng Holy Week.
Sinabi ni MMC chairman at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, pinayagan nila ang nasabing 50 percent seating capacity basta mahigpit na ipatupad ang health protocols.
Hindi naman nila pinapayagan ang pagkakaroon ng mga aktibidad gaya ng prusisyon para hindi na ito maka-engganyo pa ng ibang deboto at malabag ang physical distancing.
Maraming simbahan naman sa Metro Manila ng tumugon sa nasabing panawagan ng IATF kung saan kinansela na nila ang mga nakagawiang tradisyon tuwing semana santa.
Pinayuhan din nila ang kanilang mga deboto na makibahagi na lamang sa mga online Holy Week activities para hindi na lumala pa ang hawaan ng COVID-19.