Makikiisa ang maraming simbahang katolika sa hinaing ng mga medical workers na ibalik sa Modified Enhanced community quarantined ang NCR at ilang karatig na lugar ng NCR.
Ito ay sa pamamagitan ng pagkansela nila ng ilang mga aktibidad ng mga simbahan.
Isa rito ang nakasaad na pastoral instructions ng Archidiocese of Manila na samahan sila sa pagsuspendi ng mga religious services mula Agosto 3-14.
Paglilinaw nila na patuloy pa rin ang online mass na isinasagawa.
Naniniwala sila na sa paghihigpit muli ng gobyerno ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga health workers na magpahinga.
Patuloy din ang panawagan din nila na sundin ang health protocols na ipinapatupad ng gobyerno gaya ng paghuhugas ng kamay, pagsuot ng facemask at social distancing.
Magugunitang ibinalik ng pangulo sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.