Sabay-sabay na nagpatunog ng kampana nitong Linggo ang mga simbahan bilang hudyat ng isang taon na bago ang 2022 elections.
Pinatunog ang mga kampana ng hanggang tatlong minuto at isinagawa pagkatapos ng Angelus prayer para hikayatin ang mga mamamayan na magparehistro at bomoto sa Mayo 2022 elections.
Ang nasabing hakbang ay pinangunahan ng Eleksyon 2022 Koalisyon isang non-partisan at multisectoral alliance ng 29 na civic at religious groupos kabilang ang Caritas Philippines.
Sinabi ni Bishop Jose Colin Bagaforo, director ng national Caritas, dapat buhayin muli ang pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pagrehistro at pagboto.
Sa kasalukuyan ay aabot na sa mahigit 1.5 millyon na mga botante ang nagparehistro na para sa Mayo 2022 kung saan mayroong 4 milyon na bagong botante ang nagparehistro para sa 2022 elections.