-- Advertisements --

Nagbukas na mga sinehan sa Shanghai, China matapos ang anim na buwang nationwide shutdown dahil sa coronavirus.

Mahigpit naman ang pagpapatupad ng health protocols sa mga sinehan gaya ng dapat bumili lamang ng tickets online.

Mayroon hanggang 30 percent lamang maaring tanggapin sa nasabing loob ng sinehan.

Magugunitang mula ng Enero ay isinara ang sinehan na balak sanang buksan noong Marso subalit kanila itong iniurong dahil sa patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng coronavirus.