BUTUAN CITY – Hindi ikinatuwa ng karamihang mga Singaporeans ang pagtanggap ng kanilang pamahalaan kay resigned Sri Lankan President Gotabaya Rajapaksa na ngayo’y nasa kanilang bansa ssa kabila ng katotothanang patuloy pang nagpoprotesta ang kanyang mga constituents dahil sa hindi maganda nitong pamamahala sa kanilang bansa sanhing ilang taon nang nararanasan nilang economic crisis.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Bombo international correspondent Rico Ruiz Frias direkta mula sa Singapore, inihayag nitong marami ang walang paki-alam sa nsabing kaganapan ngunit mas marami ang dismayado sa pagpapapasok kay Rajapaksa sa kanilang bansa habang ang kanyang mga kababayan ay patuloy na nagdurusa sa hirap ng buhay.
Inaasahan umano ng mga Singaporeans na magpapalabas ng pahayag ang Singaporean governmen kaugnay sa kanilang pagtanggap kay Rajapaksa na unang nagpunta ng Maldives matapos lisanin ang kanyang bansa na nilusob na rin ng mga demonstrador.