Ngayong araw ng mga puso, kanya kanya ang mga single sa paghahanap ng kanilang pagkaka abalahan dahil tila ba by pair ang karamihang ginagawa ng iilan.
Tuwing araw ng mga puso kasi ay kaliwa’t kanan ang magkakasintahan, mapa restaurant, pasyalan, malls at iba pang mga pampublikong lugar.
Si Kiano Gutierrez, 21 years old ay kahihiwalay lang sa kanyang kasintahan kung kailan malapit na ang valentine’s day.
Sa ngayon raw, ay hindi siya magdiriwang ng araw ng mga puso sa halip ay hindi nalang siya lalabas ng kanilang bahay.
Ang status niya raw sa ngayon sa “single but happy.”
Si Dave Martinez naman, 30 years old ay sasama nalang sa kanyang mga kaibigan kung sino ang mag aaya, bilang celebration niya ng valentine’s day.
Aniya, mas pinagtutuunan niya ng pansin ang kanyang business at pamilya.
Samantala, bagamat marami ang mga single, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority mayroon paring lagpas 2,000 na mga kabataan, 10 to 14 years old ang nabubuntis sa isang taon.
Kaya naman matatandaan na bilang tugon dito, nagkaroon ng Executive Order no. 141 noong 2021 na naglalayong ipatupad ang mga hakbang upang maiwasan ang teenage pregnancy.