-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nanindigan si San Enrique, Iloilo Mayor Rosario Mediatrix Fernandez na nakipag-ugnayan sila sa Department of Health hinggil sa pagkasira ng 167 Sinovac vaccines na nasa cold storage facility ng nasabing bayan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Fernandez, sinabi nito na may nangyaring brown out sa kanilang bayan na tumagal ng 15 minuto ngunit walang inilabas na babala.

Ayon sa alkalde, umabot sa 10 degree celsius ang temperatura ng refrigerator kung saan nakaimbak ang mga Sinovac vaccines na dapat sana ay nasa 2 hanggang 8 degree celsius lamang.

Nag-abiso naman ang DOH na huwag gamitin ang nasabing bakuna dahil sa posibleng masamang epekto nito sa kalusugan kapag naiturok na sa tao.