BUTUAN CITY – Matatapos na bukas ng mga chairmen ng Sangguniang Kabataan (SK) nitong lngsod ng Butuan ang kanilang 1st Sangguniang Kabataan Leadership Development Training na pinangungunahan ng 23rd Infantry Battalion, Philippine Army.
Ang nasabing training na pinaka-una hindi lang dito sa Mindanao at buong Pilipinas ay brainchild ni Butuan City SK Federation President Wen Kok Lim Chiang II.
Layunin nito na makamit ng mga SK officials ang leadership at organizational skills bilang mga trusted officials ng kabataan nitong lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng opisyal na may graduation ceremony sila bukas kungsaan ang makapagtapos sa training ay may ranggo ng private first class (PFC) bilang mga full-fledged army reservists.