-- Advertisements --
Pinuri ng ilang mga sports organization at atleta ang naging desisyon ng organizers ng Tokyo 2020 Olympics na ipagpaliban na lamang ito.
Ayon kay British Olympic Association chief executive Andy Anson, na tama ang ginawang desisyon ng organizers.
Pinasalamatan naman ni Kenyan long-distance runner Eliud Kipchoge ang pagkansela ng global sports spectacle dahil mahalaga na isipin ang kapakanan ng mga manlalaro.
Magugunitang nagkasundo ang International Olympic Committee (IOC) at si Japanese Prime Minister Shinzo Abe na ipagpaliban ang Olympics na magsisimula sa Hulyo 24 at ilipat na lamang ito sa taong 2021.