Labis na ikinalungkot din ng mga sports personalities ang pagpanaw ni Queen Elizabeth II.
Ayon sa FIFA kung saan gaganapin ang World Cup sa buwan ng Nobyembre ay ito ang magiging unang pagkakataon na hindi nila makakasama si Queen Elizabeth.
Maging ang ilang mga sports team ay nagbigay ng pugay kung saan sa Euro Basketball bago ang laro ng Great Britain kontra Italy ay naglaan ang mga ito ng moments of silence.
Ang kilalang football team na Manchester United at Liverpool ay labis ang pagdadalamhati nang mabalitaan ang pagpanaw ni Queen Elizabeth.
Bilang hilig din ni Queen Elizabeth na manood ng karera ng mga kabayo ay ibinahagi ng Kentucky Derby ang larawan kung saan naging makasaysayan ang panonood nito sa ilang karera.
Ang kilalang sprinter na si Sir Mo Farah na nabigyan ng parangal ni Queen Elizabeth ay ikinalungkot ang pagpanaw ng British monarch queen.
Maging ang legendary football player na si Pele at Formula 1 champion Lewis Hamilton ay hindi nagpahuli sa pagbibigay pugay kay Queen Elizabeth II.