ILOILO CITY- Nasa Iloilo City na ngayon ang mga tauhan ng Department of Tourism upang mag-shoot ng mga videos na gagamitin sa bagong tourism campaign videos ng ahensya.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay IIoilo City Tourism Officer Junel Divinagracia,sinabi nito na labis na ilan sa mga napuntahan ng mga staff ng Tourism Promotions Board ng Department of Tourism ay ang Museum of Philippine Maritime History at ang Molo Church.
Ayon kay Divinagracia, tumutugma ang tagline ng Department of Tourism na “Love the Philippines” sa bagong slogan ng lungsod na “My heart beats in Iloilo City”dahil sa bansag nito na City of Love.
Umaasa naman si Divinagracia na mapapabilang din ang iba pang mga events sa Iloilo lalo na ang Dinagyang Festival sa magiging tourism campain ng ahensya.