-- Advertisements --
Pinayagan ng India ang ilang milyong katao na makauwi matapos na ma-stranded ng ipatupad ang nationwide lockdown.
Sinabi ng home ministry na kanilang susuriing mabuti ang mga tao kung may sakit ba o positibo sa virus bago sila makauwi.
Ipagbabawal ang mga ito na tumawid sa border at dapat pangasiwaan ng gobyerno ang kanilang pag-uwi.
Mula pa kasi noong Marso 24 ng ipatupad ang lockdown kung saan ilang daang libong mga katao ang umalis sa lungsod at nagpunta sa kanilang mga lugar.
Karamihan sa mga dito ay mga migrant workers na nagtatrabaho sa lungsod at ibang lugar para mamuhay.