-- Advertisements --
Aabot sa 35 na mga street dwellers at mga taong naninirahan sa mga kalsada ang pinaghuhuli ng mga kasapi ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) Rescue Team.
Nahuli ang mga ito sa kahabaan ng Nagtahan St., Quirino Ave, Roxas Blvd. Port Area, Intramuros, Espana Blvd. Lacson St. Quiapo, Legarda st. UN Ave., Kalaw Ave at Rizal Avenue.
Kasama nila ang ilang mga barangay officials ng nasabing mga lugar.
Sinabi ni MDSW Director Re Fugoso na ang hakbang ay alinsunod sa programa na ipinapatupad ni Mayor Isko Moreno.
Bukod aniya sa mga street dwellers ay binabantay din nila ang mga menor de edad na namamalimos at ganun din ang mga nangangaroling sa kalsada.
May ilang mga naaresto na sila kung saan kinausap nila ang kanilang mga magulang.