-- Advertisements --

Nagdulot ng saya sa mga pamilya sa lansangan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa patuloy nitong pagsasama-sama ng mga naabot na indibidwal sa kanilang mga kamag-anak ngayong Kapaskuhan sa pamamagitan ng Oplan Pag-Abot.

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary for Legislative Affairs Irene Dumlao na ang pinaigting na pagpapatupad ng proyekto ngayong Disyembre, na ‘Pag-Abot sa Pasko’, ay nagkamit ng tagumpay sa muling pagsasama-sama ng mga matatanda gayundin ang mga bata sa kanilang mga pamilya.

Aniya, ag Pag-Abot sa Pasko ay halimbawa ng pangako sa pagsasama-sama ng mga pamilya, lalo na ngayong panahon ng kapanahunan.

Bahagi ng mga interventions sa ilalim ng proyekto para sa mga pamilya at indibidwal sa mga sitwasyon sa lansangan ay ang pagkakaloob ng pansamantalang tirahan habang naghihintay para sa kanilang aktwal na muling pagsasama sa kanilang mga pamilya.

Ang Oplan Pag-Abot ay kabilang sa mga punong programa ng DSWD, sa pamumuno ni Secretary Rex Gatchalian, upang tulungan, suportahan, at protektahan ang mga indibidwal at pamilyang naninirahan sa mga lansangan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng angkop na mga interventions at tulong.

Sa ilalim ng proyekto, ang mga naaabot na pamilya ay binibigyan ng iba’t ibang programa at serbisyo tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program at Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program (BP2), habang ang iba ay isinangguni sa DSWD-run.

Una na rito, ang Pag-Abot sa Pasko ay tatagal hanggang Disyembre 31 para abutin ang mas maraming pamilya at indibidwal na dumadagsa sa mga lansangan.