-- Advertisements --

Nakalabas na sa pagamutan ang mga sugatang pasahero ng bus matapos na na banggain sila ng ambulansiya sa bus carousel sa kahabaan ng EDSA.

Hindi baba sa walong katao ang unang naitakbo sa pagamutan dahil sa tinding pinsala na tinamo ng dalawang sasakyan.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic chief Bong Nebrija na pumasok bigla ang ambulansiya sa bus carousel kaya hindi na napansin ng pampasahero bus at ito ay binangga.

Nagmamadali umano ang ambulansiya dahil mayroong pasyente itong susunduin.

Mabilis namang itinakbo sa iba’t-ibang pagamutan ang mga sugatang pasahero.