-- Advertisements --
Pinatay umano ng mga Taliban ang maraming mga miyembro ng Afghan security forces.
Ayon sa Human Rights Watch (HRW) na matapos na sumuko ang mga security forces ng kontrolin ng Taliban ang Afghanistan ay doon nila ito pinagpapatay.
Aabot sa 47 miyembro ng Aghan National Security Forces, kabilang ang mga sundalo, pulis, intelligence service members at paramilitary militia na sumuko at naaresto ng mga Taliban forces mula Agosto hanggang Oktubre.
Nakuha ng HRW ang impormasyon base na rin sa pakikpagpanayam nila sa 67 na mga witness na nakasaksi sa mga pagpatay.
Nagpapatunay aniya ito na naging sinungaling ang Taliban sa pangako nila sa mga iba’t-ibang bansa na hindi sila magiging marahas.