-- Advertisements --

Pangungunahan na ng mga sundalo sa Italy ang mahigpit na pagpapatupad ng lockdown.

Kasunod ito sa umabot sa 627 katao ang nasawi matapos madapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Lombardy region president Attilio Fontana, na ito ang kanilang napagkasunduan dahil sa lubhang natamaan ang kanilang rehiyon.

Mayroong 114 na sundalo ang ipapakalat sa buong Lombardy para matiyak na walang mga lalabas sa kanilang mga kabahayan.

Bukod sa pagpapatupad ng lockdown ay mabibigyan din ng seguridad ang nasabing lugar.