-- Advertisements --
Ipinakalat na ang mga sundalo ng France sa River Seine para matiyak na ito ay ligtas ilang araw bago ang pagsisimula ng Paris Olympics.
Ang nasabing ilog kasi ay bahagi sa opening ceremony kung saan ilang libong mga atleta ang maglalayag patungo sa Eiffel Tower.
Isang malaking hamon ngayon sa mga kapulisan ang desisyon na gamitin ang anim na kilometrong haba ng ilog para sa opening ceremony na magsisimula sa Hulyo 26.
Aabot sa mahigit 45,000 na mga kapulisan at sundalo ang magbibigay seguridad sa nasabing okasyon bukod pa dito sa mahigit na 10,000 na mga tinatawag na Sentinelle military operation.
Ang Paris kasi ay makailang beses na tinarget ng mga terorista kaya dinoble ng mga otoridad ang pagbabantay lalo na sa Olympics.