-- Advertisements --

Sisimulan na ng mga sundalo ng United Kingdom na imaneho ang mga tankers para mapalitan ang mga bakanteng fuel pumps.

Ayon kay British Prime Minister Boris Johnson na gumaganda na kasi ang sitwasyon sa kanlang bansa.

Sinabi naman ni business minister Kwasi Kwarteng na mayroong 150 na sundalo ng kanilang inatasan na magmaneho ng mga tankers sa mga susunod na araw.

Magugunitang nagkaroon ng panic buying ng mga produktong langis na nagresulta sa pagkakatuyo ng mga pumping stations dahil sa kakulangan ng mga tanker drivers para magdala ng mga petrol at diesel mula sa refineries patungong filling station.